Sa bawat yugto ng buhay may wasto at may mali
Sa bawat nilalang ay may bulag, may pipi at may bingi.Madilim ang ‘yong paligid hating-gabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sa ‘yo’y pinagkaitan
H’wag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan.
Chorus
Hindi nalalayo sa ‘yo ang tunay na mundo
Marami sa ami’y nabubuhay nang tulad mo
Di makita, di madinig, minsa’y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal.
Ibigin mo mang umawit hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso’t damdamin wala sa ’yong pumapansin
Sampung daliri, kaibigan, d’yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman.
( Tab from: http://www.guitartabs.cc/tabs/f/freddie_aguilar/bulag_pipi_at_bingi_crd_ver_2.html )
Chorus
Hindi nalalayo sa ‘yo ang tunay na mundo
Marami sa ami’y nabubuhay nang tulad mo
Di makita, di madinig, minsa’y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Ad lib: Am-Dm-F-Ebdim-E7sus-E7
Ano sa ‘yo ang musika sa ‘yo ba’y mahalaga
Matahimik mong paligid awit[F/C]an ay di madinig
Mapalad ka, o kaibigan, [Am(9)]napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo.
Chorus
Hindi nalalayo sa ‘yo ang tunay na mundo
Marami sa ami’y nabubuhay nang tulad mo
Di makita, di madinig, minsa’y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Coda
Di makita, di madinig, minsa’y nauutal
Dm pause E7sus E7 Am–
Patungo sa hinahangad na buhay na banal